???

???
busy kunyari.

Saturday, July 3, 2010

Untimely

Sabi ng Facebook, "write something about yourself". Nanghihingi rin ng biography. Yung dalawang yun, hanggang ngayon hindi ko masagutan.

Sino nga ba kasi ako?


Ako? Tingin ko....tao naman ako. Pinipilit ko rin namang maging makatao at magpakatao. Hindi naman ako masyadong high-profile na tao. Simple lang. Anak. Estudyante. Aktibista. May mga konting payak na pangarap lang at isang malaking malaking pangarap.


Simple lang. Wala naman akong super powers. Nakalapat pa naman ang paa ko sa lupa. Kumakain ng kanin. Nag-iisip din ng konti. Nagsasalita. Multi-cellular organism naman ako. Normal lang. Super tipikal.

May nanay at tatay naman ako. Normal din naman sila. Yung nanay ko, may sariling hanap-buhay. Ganun din naman yung tatay ko.

Estudyante ako sa Philippine Normal University. 2007 nung pumasok ako dito. Wala sa balak kong mag-extend hanggang limang taon kaya I presumed na magmamartsa at gagraduate na ako ng March 2011. Ayoko din ng school ko. Gusto ko kasi sa De La Salle University-Manila. Pero habang lumalapit yung taon na ako ay pa-college na, lumalapit na din ako sa kalinawan ng buhay. Ang laki ng tuition sa La Salle Taft. Pero nung mga panahong yun, kaya pa naman ng bulsa ni ina na mag-aral ako sa La Salle, yun nga lang, hindi sa Taft. La Salle Araneta lang. Kinukuha na nga nya ako ng form dun e kaso ayoko. I want La Salle and I want DLSU Manila. Ayun. Sa huli, PNU ang bagsak ko. Nag-BS Biology ako sa PNU. Nung mga panahon kasi na yun, pera lang ang gusto kong makuha pagkatapos kong mag-aral.

Nag-iba ang pananaw ko sa buhay. I came up to the realization that money has no worth. Inattempt kong magshift ng course papuntang BSE Social Science. Ang daming reactions ng tao sa ginawa ko. Even the Biology department head doesn't want to let go of me pero pagkatapos ng mahabang usapin, pumayag din sya. So ang mind-setting ko na ay gagraduate ako ng 2012. Pero hindi ako nakapag-shift. Mahabang kwento but still, 2012 pa rin ako gagraduate.

Isang malaking salik bakit ko gustong mag-Soc Sci ay dahil ito lang (sa paningin ko) ang progresibong kurso na meron sa PNU. Isa pa, dahil na rin sa impluwensya ng kilusan sakin. Ayoko ng pag-aralan yung mismong tao at mga bagay-bagay na nag-cicirculate sa pisikal nyang sistema. Mas gusto ko na lang pag-aralan ang lipunan at kung anong magagawa ko para dito.

Mas masarap kasing kumilos kung alam mo ang dahilan kung bakit ka kumikilos. Ilang beses ko na ding sinubukang magpahinga. Pero bumamalik ako sa thought na pag tumigil ako, marami akong hindi magagawa. Sayang. 

Masarap makipagdramahan sa lansangan. Sa piling ng masa mo makikita ang tunay na laban. Wala sa Palasyo ng MalacaƱang. Believe me. Hindi pa ganun kadami ang naranasan ko sa pagkilos pero hindi naman sarado ang utak ko sa pag-explore ng mga ganung klaseng bagay.

Ang mass movement ang nagmulat sakin sa maraming bagay. Na hindi masamang maging aktibista. Hindi masama ang kaliwa. Hindi masamang magnakaw. Hindi masamang mangialam at makialam. Katangahang maituturing na nakatitig ka lang sa mga maling nangyayari. Dapat kumikilos.

Pangarap kong makapag-aral sa La Salle kahit napaka-elite ng school na yun. Basta gusto ko dun. Pangarap ko lang na makatapos ng pag-aaral. Pangrap ko lang maging GK ng BY. Pangarap kong makapag-liberate pa ng maraming kamalayan lalo na ng mga estudyante.

I never wanted to study in UP. Mula bata pa ako, ayoko na sa UP. Hanggang ngayon, mas lalo ko yung inaayawan. Ayoko ng aura ng UP. Nag-test ako dun pero wala akong balak mag-aral.

Gusto kong mag-aral ng political science o public administration. Pangarap kong mabili ang mga pangangailangan ng nanay kong mag-isang nagbuhos ng lakas para buhayin at pag-aralin ako.

Ang malaking panarap ko ay ang sosyalistang Pilipinas. Yun lang naman.

Tamad akong tao. Ayoko kasing masyadong gumalaw. Pero ayoko ding mag-isip ng masyado. Hindi ako matalino. Hindi ako mahilig mag-aral.

Madami na akong unpublished writings. Isang tao lang ang gusto kong makabasa nun pero I doubt kung mapapabasa ko yun (isang malaking GOOD LUCK!).

Naiinis ako sa mga kikay. Mahabang kwento din kung bakit.

Hindi ako straight na babae at wala akong balak maging straight. Out na kung out! hehehe Remember: gender is fluid. At walang karapatan ang sinuman na husgahan ako dahil lang sa gender preference ko.

Wala namang masama dun. Well, nagiging masama lang un sa mata ng mga dogmatic na moralista.

Ayun. Pwede na siguro 'to.

=)

Political to something.....romantic?

well, the title's just defining my mood. wala ng iba.


I don't know why. These past few days, I am starting to feel weary sa pag-iisip ng mga bagay na pulitikal at medyo problematic. Tired of thinking about my problems, the movement, the country, etc.


Napasilip kasi ako sa profile ng isang kaibigan. Ung profile nya, puro "love" keme... Pero magaan sa pakiramdam. Kasi naman ung laman ng profile ko, puro mga bagay na GD. So I tried to sensationalize the things written on her wall. Ayun. Eto ako ngayon. =)


Ang labo ng tuloy. Masyado kong na-romanticize ang pagiging romantic. Feeling ko tuloy ang baduy ko na. Ubos na nga ang mga pahina ng aking notebook at paubos na rin ang tinta ng ballpen ko. Pano ba naman, gabi-gabi, sulat ako ng sulat ng kung ano-anong bagay na maisipan ko lang.


Hindi naman ako in-love ngayon. Natutuwa lang talaga ako sa mga circulating random thoughts about loving, romance, etc. Hindi rin ito ka-kikayan (utang na loob!). Fresh lang talaga.


Tama na nga. Pinagtatanggol ko ba ang sarili ko? Pag nagpo-post kasi ako sa FB ng status na fresh lang, nagrereact sila. Pero deadma na nga.




=)