???

???
busy kunyari.

Monday, June 21, 2010

Sa totoo lang...

(Bakit ganun ung title? Parang ung kay GMA lang...eew.)

Hindi naman kasi talaga ako writer. Ewan ko kung bakit nila sinasabing okay akong magsulat...pero hindi ko naman masyadong ma-feel. Sinusulat ko lang ung maisipan ko. Ni hindi nga perfect ung grammar ko e (mapa-English o Tagalog). Ang lame kaya ng mga sinusulat ko. Sinubukan ko na rin ung blogging pero hindi dahil nagagalingan ako sa sarili ko. Natutuwa lang ako sa idea na para kang may on-line diary. hehehe

Naiinis ako pag may mga ungrammatical sa sentence/s ng ibang tao pero ung sarili ko, hindi ko masyadong mapuna lalo na pag sobrang haba na ng nasusulat ko. Ang epal nga e.

Sabi ng teacher ko nung highschool (na adviser namin nun sa SG), parehas daw kami. Sabi ko sa kanya, hindi ako matalino. Sabi nya, hindi rin daw sya matalino pero mahilig lang daw talaga syang mag-aral. E pano un? Hindi din naman ako mahilig mag-aral? So, ano ako? hahaha

May na-create akong isang theory (na magiging law din eventually. I swear! hahaha) My theory states that: All good-looking people are not intelligent and all intelligent people are not good-looking. The rationale behind that theory is that "You cannot have the best of both worlds!"At kung gaano ka ka-good-looking, ganun din ka-extreme ang pagiging hindi mo matalino and vice versa. Lagi itong proportional.

Pero kung ikaw ay:
-both; or
-neither

isa lang ang ibig sabihin nyan...hindi ka tao.

hehehehe lumilipad na naman ang topic ko.

tama na nga.

No comments:

Post a Comment